4-PEAT SA ARELLANO CHIEFSQUAD

NAGPARADA ng isang all-rookie line-up, muling dinomina ng Arellano University ang NCAA Cheerleading Competition upang maiuwi ang korona sa ika-4 na sunod na pagkakataon nitong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa eksplosibong performance sa kabila ng pagiging first-timers sa entabladong ito, nakopo ng Chiefsquad ang ika-5 titulo sa kabuuan na may 245.5 points.

Nakalikom ang University of Perpetual Help System Dalta Altas Perp Squad, ang winningest program na may siyam na championships, ng 227.5 points upang pumangalawa sa ika-4 na sunod na season.

May 215.5 points, kinumpleto ng Letran Cheering Squad ang podium finishers, ang best run ng Muralla-based side magmula nang pumangatlo rin noong 2012.

Kinapos ang Mapua Cheerping Cardinals matapos ang fourth place finish na may 210.5 points.