APAT na Jr. NBA Philippines All-Stars na kinabibilangan ng 3 boys at 1 girl ang kakatawan sa Asia Pacific sa Jr. NBA Global Championship ngayong taon.
Ang Global Championship ay isang youth basketball tournament para sa top 13 and 14-year-old boys and girls teams mula sa buong mundo na gaganapin sa Agosto 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World malapit sa Orlando, Florida.
Sina Camille Nolasco, Heinz Gabriel Demisana, Sebastian Reyes, at Lionel Matthew Rubico ay kinilala bilang bahagi ng top performing players ng kauna-unahang Jr. NBA Asia Pacific Selection Camp na idinaos noong Hunyo 15-16 sa Universitas Pelita Harapan (UPH) sa Jakarta, Indonesia.
Ang Selection Camp ay tinampukan ng 34 boys at 34 girls mula sa Australia, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.