PINALAYA na ang apat na Filipino drivers na una nang inaresto at kinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa mga distressed overseas Filipino worker sa Kuwait.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakauwi na ang apat na drivers sa kani-kanilang bahay sa Kuwait.
“Yung mga drivers napakawalan na, pero hindi po sila uuwi ng Pilipinas kasi dito talaga sila nakatira sa Kuwait at wala na silang mga kaso,” wika ni Roque.
Samantala, nakatakdang lagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwaiti government ngayong hapon upang bigyan ng proteksiyon ang mga OFW na nasa Gulf State.
Ang MOA ay resulta ng ginawang pakikipagpulong ng mga opisyal ng Duterte administration sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sa mga opisyal ng Kuwaiti Interior Ministry officials.
Kasama ni Bello sa naturang pakikipagpulong sina dating DOLE Secretary Marianito Roque, Labor attaché Rustico dela Fuente.
“The Philippine delegation met officials from the Kuwaiti Interior Ministry where the Philippines and Kuwait look forward to the normalization of ties,” sabi pa ni Roque.
“It guaranteed that all remaining undocumented Filipinos, except for those with pending cases, will be allowed to go home. At least 150 of them will be joining the Philippine officials in returning to the Philippines,” dagdag pa ni Roque.
Idinagdag pa ni Roque, pumayag ang Kuwait government na bumuo ng special police unit na magiging katuwang ng Philippine embassy sa mga matatanggap nitong reklamo ng mga OFW.
Nakasaad sa naturang MOA ang mga panuntunan para sa kapakanan at proteksiyon ng mga OFW na nasa Kuwait. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.