USA- APAT na Pinoy ang nasawi matapos madapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa New York at New Jersey.
Ito ang kinumpirma kahapon ng Philippine Consulate General Claro Cristobal ng New York.
Sa datos, nasa 143,000 bilang ng Pinoy sa New York at 170,000, na karamihan ay mga immigrant.
Sa New York ay may pinakamataas na bilang na dinapuan ng COVID-19 sa buong America, kaya nagdeklara ang gobyerno na manatili na lamang sa bahay.
Ayon pa, sa dalawang nabanggit na estado ang karamihan mga doctor at nurse ay pawang mga Pinoy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM