BAGO tuluyang bumaba sa puwesto, apat na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang binalasa ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.
Epektibo ang reshuffle nitong Marso 26 kung saan, itinalaga bilang direktor ng Civil Security Group (CSG) ang dating direktor ng Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM) Major General Neil Alinsañgan.
Pinalitan nito si Major General Benjamin Sil na itinalaga namang direktor ng Area Police Command-Eastern Mindanao (APC-EM).
Si Brig. General Alan Nobleza, Regional Director ng Police Regional Office in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), ang papalit kay Major General Alinsañgan bilang direktor ng DICTM.
Habang si Brig. General Prexy Tanggawohn, direktor ng Communications and Electronics Service, ang uupo naman bilang bagong Regional director ng PRO BARMM kapalit ni Nobleza. EUNICE CELARIO