4 PNP SENIOR OFFICIALS ANGAT SA RANGGO

APAT na police gene­rals ang nadagdagdan ang estrelya sa balikat o umangat ang ranggo.

Kahapon ng umaga, mismong si Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr. ang nanguna sa donning of ranks sa apat na mga heneral.

Kasama sa na-promote sina BGen. Antonio Marallag, Jr., BGen Ramil Montilla, Directorate for Human Resources and Doctrine Development, Gen Ronald Lee at LtGen Jonnel Estomo ng Area Police Command, Western Mindanao.

Bukod sa apat na heneral, 29 na iba pang mga opisyal na naaprubahan na ma-promote sa mas mataas na ranggo.

Ayon kay Acorda, may 30 mga opisyal pa ang kasalukuyang naghihintay na maaprubahan ang promosyon.

“ Everything have been ironed out, so, tuloy-tuloy naman ang mga papeles except for some yung mga kuwan siguro nag expire yung mga clearances and everything but so far we are happy with the flow of the promotions,” ayon kay Acorda

Sa New Year’s call nitong Miyerkules, Ene­ro10, mismong si Interior Secretary Benhur Abalos ang sumiguro na tutukan niya ang mga nabinbin na promosyon na nagresulta sa pagbaba sa morale ng ilang opisyal.

“Nagbigay kami ng deadline sa Napolcom na 30 working days para tapusin lahat ng promosyon na mare-receive,” ayon sa Kalihim

Upang matiyak na hindi na mauulit ang pagkabinbin ng mga promosyon, nagpalabas na aniya ng Napolcom ng isang memorandum circular kung saan nakadetalye ng pananagutan kung hindi nila ito matutugunan,” dagdag pa ni Abalos.
EUNICE CELARIO