4 PULIS INATAKE NG MGA REBELDE

PATAY

ALBAY- DEAD on the spot ang isang pulis habang tatlong kasamahan nito ang malubhang nasugatan nang tambangan ng umano’y grupo ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army  kahapon ng umaga sa bayan ng Joveller.

Ayon sa ulat na nakalap ng Army 9th Infantry Division, mga rebelde ang umatake sa mga alagad ng batas.

Sinabi naman ni Police Col. Primitivo Bayongan Jr., hepe ng Albay Provincial Police Office nasa security patrol ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company sa Barangay San Isidro nang tambangan ang mga ito.

Naghigpit ng security patrol ang mga pulis kasunod ng sumbong ng mga residente na may 20 mga armadong kalalakihan silang namataan na pagala-gala sa area sakop ng Guinobatan, Albay, ayon kay Bayongan.

Sinasabing maaring ang grupong ito ang mga nakasagupa ng mga pulis.

Inabot ng halos 20 minuto ang palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at rebelde bago nagpasya ang mga kalaban na umatras sa takot na abutan sila ng mga sundalo ng Philippine Army na magreresponde. VERLIN RUIZ

Comments are closed.