4 PULIS NA PUMASOK SA SABUNGAN SIBAK

Chief-Supt-John-Bulalacao

ILOILO – NASA floating status ngayon ang apat na pulis mula sa Western Visayas  nang maaktuhan dahil sa pagpasok ng mga ito sa sabungan.

Sinabi ni Police Regional Office 6 (PRO-6) Region 6 Director Chief Supt. John Bulalacao na ang naging hakbang ay upang itama ang mga pulis laban sa maling aktidibad.

Pangunahing  layu­nin din ng pagsibak ay upang hindi maimpluwensiyahan ang imbestigasyon laban sa nasabing mga pulis.

Ayon kay Bulalacao, inamin sa kanya ng apat na pulis na pumasok ang mga ito ng sabungan na paglabag aniya sa marching order ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde.

Dating nakatalaga ang apat sa Iloilo City Police Office (ICPO), Negros Occidental Police Provincial Office, Capiz Police Provincial Office at Regional Headquarters Support Group.

Sa ulat, ang naturang mga pulis ay nakunan ng larawan ng Counter-Intelligence Task Force na nasa loob ng sabungan.

Ngunit depensa ng isa sa mga pulis  na ang pagpasok niya sa sabungan ay bahagi ng operasyon na ka-nilang isinagawa noong kasapi pa ito ng anti-carnapping group.     EUNICE C.

 

Comments are closed.