NAGPOSITIBO sa iligal na droga ang apat na pulis isinagawang sunud-sunod na drug test pagkatapos ng holiday season.
Sa pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Lt. Col. Eunice Salas, isa sa 175 pulis mula sa NCRPO Regional Headquarters ay nagpositibo sa random drug test na isinagawa noong Enero 4.
Samantala, tatlo sa 405 tauhan mula sa Eastern Police District (EPD) ang nagpositibo rin matapos ang random test noong Enero 2.
Lahat ng apat na pulis ay nagpositibo ang resulta sa confirmatory test.
Sinabi ni Salas na ang tatlong pulis ng EPD ay naitalaga sa District Administrative Holding and Accounting Section habang ang isa pang pulis ay inilipat sa Administrative and Resource Management Division – Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng NCRPO sa NCRPO.
“(They have) 15 days to challenge it. Pa drug test ulit nila yung same specimen sa DOH Accredited Drug Testing Centers. Then they will be subjected to pre-charge investigation and the summary hearing proceedings penalty is dismissal from the police service,” dagdag pa ni Salas.
Kaugnay nito, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez na magpapatuloy ang random drug test bilang bahagi ng internal cleansing efforts ng kapulisan.
EVELYN GARCIA