(4 pulis sugatan) PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST NAUWI SA BAKBAKAN

SULU- PINANGANGAMBAHANG pumalo pa sa 10 katao ang sugatan sa Maimbung sa lalawigang ito makaraang mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa dating Bise Alkalde ng nasabing bayan kahapon.

Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamaro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BAR) bandang alas-7:30 ng umaga nang magtungo ang pulisya kasama ang militar sa tahanan ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan sa Brgy. Bualo Lipid.

Subalit nang mamataan paparating ang mga awtoridad ay pinaputukan na sila ng mga tauhan ni Mudjasan na hudyat ng ng bakbakan.

Sa police report, nagtungo ang tropa ng pulisya sa tahanan ng bise-alkalde para isilbi ang warrant of arrest hinggil sa murder case.

Batay sa sketch report, apat na pulis ang sugatan at mayroon din sa grupo ng dating bise alkalde.
EUNICE CELARIO