4 SHOPLIFTERS SA MALL SWAK SA KULUNGAN

shoplifter

CAVITE – APAT katao na sinasabing naaktuhan sa shoplifting ng mamahaling liquid soap, sardinas at car freshener sa loob ng kilalang mall ang naaresto ng mga awtoridad sa tatlong lungsod sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Edward “Jun Jun” Tang Jr. y Macellones, 35, ng Brgy. Salitran 2, Dasmariñas City; Mark Campos y Padilla, 38, ng Barangay Fatima 1, Dasmariñas City; Nhiel Ryan A. Valdez, 20 ng Alfonso Village Subd., Brgy. Alapan I-B, Imus City; at si Julius Cesar Navarette Asucro, 18, ng #328 Camia St., Brgy. Alapan I-C, Imus City, kapwa merchandisers.

Lumilitaw sa ulat ni SPO1 Michael Legaspi Jr. na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, bandang alas-8:55 ng gabi nang mag-shoplift ang suspek na si Tang Jr. ng dala-wang Nutella Ferrero at da­lawang Spam Luncheon Meat na may kabuuang halaga na P1,223.00 ay dumiretso palabas ng grocery mart sa Barangay Molino 4, Bacoor City.

Samantala, sa ulat ni PO2 Jessie Avila, ang mga suspek na sina Valdez at Navarette naman ay nag-shoplift ng dalawang cleansing liquid soap sa hindi pinangalanang department and grocery store sa Brgy. Alapan, Imus City kaya inaresto ng security guard bago binitbit sa himpilan ng pulisya.

Gayundin sa ulat ni P02 Dexter Anadilla, lumilitaw na si Campos naman ay naaktuhan bandang alas-6: 20 ng gabi na nag-shoplift ng mamahaling car freshener na nagka-kahalaga ng P12,176.75 sa nasabing store sa Barangay Salitran sa Dasmariñas City. MHAR BASCO

Comments are closed.