APAT na sports lang ang lalaruin sa darating na 96th season ng Philippine National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Sa statement na ipinalabas ng Season 96 hosts Colegio de San Juan de Letran kahapon, tanging ang mandatory sports — basketball, volley-ball, swimming, at track and field — ang lalaruin sa susunod na season dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Gayunman, plano ng liga na magsagawa ng online chess at esports.
Inanunsiyo rin ng Letran na magbubukas ang liga sa kaagahan ng 2021, alinsunod sa panuntunan ng pamahalaan sa pagdaraos ng games at sa health protocols.
Karaniwang nagbubukas ang liga tuwing Hulyo.
Hinggil sa rules on eligibility, sinabi ng Letran na, “Some rules and requirements on student-athletes’ eligibility such as age, enrolment, grades, and even playing years shall be relaxed in consideration of the disruption of the school year and major changes in the education system.”
Sinuspinde ng NCAA ang Season 95 noong nakaraang Marso 9 sa gitna ng banta ng COVID-19.
Comments are closed.