ISA ang electrict post na ito na nabuwal nang maatrasan ng isang truck sa Marilao, Bulacan. Kuha ni THONY ARCENAL
TUMUMBA ang nasa 14 poste ng kuryente nang maatrasan ng dumptruck, habang apat katao ang nasugatan sa Santiago Road, Phase 7 Villaroma st.Brgy, Lambakin Marilao, Bulacan.
Sa ulat ng Marilao PNP, naganap ang insidente ganap na alas-11:30 ng gabi, Agosto 19.
Dahil sa pangyayari, kagabi dahil sa pangyayari nagmistulang ghost barangay ang lugar.
Kinilala ang suspek na si Alexander Nacario y Curig, 26-anyos, driver ng dump truck na may plakang NID 3322, Brgy, Ugong Valenzuela City.
Habang kinilala naman ang mga nasugatan na sina John Paulo Robles 28-anyos; Angelito Mirabel 33-anyos; Johann Mago Abella, 19, na lulan ng motorsiklo, kapwa nasugatan sa pangyayari, at isang kawani ng Meralco, na si Francis Mesina, 37-anyos.
Ayon kay Nurse Gerome ng MDRRMO, isang dumptruck na puno ng panambak, umano ang aksidenteng nakaatras sa malaking poste na naging sanhi ng isa-isang pagtumba ng poste.
THONY ARCENAL