4 TEAM LEADER NG CPP-NPA REBS SUMUKO

sumuko

SOUTH COTABATO- APAT na team leader ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa ilalim ng programang pangka-payapaan sa Sitio Lamfetok Bed, Lake Sebu.

Base sa ulat ng Police Regional Office 12, matagumpay ang pakikipag ugnayan ñg personnel ng PIT South Cotabato, RIU-12, PNP IG, RID PRO-12, PIB SCPPO, RMFB 12, NICA 12, MICO 12, 5th SF Batallon, 601st Brigade, PA at ng Lake Sebu MPS ang pagsuko ng apat na team leader Ng Samsung GF-MUSA, FSMR na bitbit ang kani kanilang armas.

Kabilang sa mga armas ay isang M14 rifle (defaced serial number) na kargado ng 10 live ammunition; isang TEC-9 Type SMG caliber 9mm pistol na may 10 live amunition.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga opisyal ng Camp Fermin G Lira sa General Santos City para sa debriefing, documentation at proper disposition.

Magugunita na nakalipas na dalawang buwan ay may 46 miyembro ng CPP-NPA rebels mula sa Lake Sebu, South Cotabato ang sumuko na rin sa pamahalaan upang magbagong buhay mula sa masamang ideology ng communism. MHAR BASCO

Comments are closed.