4 TERORISTA UTAS, 3 NA-RESCUE SA SAGUPAAN

LANAO DEL SUR- APAT na bangkay ng mga terorista Daulah Islamiyah-Lanao ang na-recover ng militar kasunod nang naganap na engkuwentro sa Barangay Piangologan, Marogong sa lalawigang ito.

Sa ulat nakasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Scout Ranger Battalion ang isang grupo ng local terrorist group na pinaniniwalaang kasapi ng DI-Lanao na pinamumunuan ni Abu Zacariah sa isinagawang operation sa Barangay Piangologan, Marogong.

Habang nagsasagawa ng clearing operation sa encounter area ay na- rescue ng mga sundalo ang tatlo pang miyembro ng local terrorist group na kinabibilangan ng isang babae at dalawang kapwa menor de edad.

Nakuha rin sa encounter site ang isang AR-15 Bushmaster, dalawang M16A1 rifles, isang R4 rifle, apat na long magazines para sa 5.56mm, tatlong commercial radios, 70 rounds ng 5.56mm ammunition, isang improvised explosive device (IED) set, isang logbook diagram para sa IED, tatlong cellular phones, tatlong backpacks with personal belongings, at mga pagkain.

Ayon kay Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Joint Task Force ZamPeLan Commander, isa niyang tauhan ang idineklarang killed in action habang may tatlo pang sundalo ang nasugatan sa labanan na nagpapagaling na ngayon sa pagamutan.

Inihayag naman Lt. Gen. Roy Galido, Commander ng Western Mindanao Command, kapuri-puri ang sigasig ng mga tauhan ng Joint Task Force ZamPeLan na supilin ang terorismo at wakasan ang nalalabing mga terorista sa kanilang nasasakupan.
VERLIN RUIZ