4 TIKLO SA 15 KILO NA MARIJUANA

arestado

BULACAN – APAT katao ang inaresto nang mahulihan ng 15 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana  na nagkakahalaga ng P400,000 sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City.

Sa report na ipinadala ni acting Provincial Director Lawrence B Cajipe kay PNP Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia kinilala ang mga nadakip na sina Emilio Ariño, Jayson Legaspi, John Michael De Jesus at Victoria Viatriz Manalo, kap­wa nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa kanila ang  siyam  na bundle at anim na bricks ng  hinihinalang  marijuana, isang cellphone at buy bust money. THONY ARCENAL

Comments are closed.