4 TIKLO SA BUY-BUST OPERATION SA PASAY

PASAY CITY – Tatlong kababaihan kabilang ang kanilang lalaking kasabwat na hinihinalang mga drug pushers ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at nakumpiskahan ang mga ito ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.

Kinilala ni Pasay police chief P/Col. Cesar Paday-os ang mga inarestong suspects na sina Janice Braga, 31, ng 374 G. Villanueva St., Barangay 53 Zone 7, Pasay City; Rowella Estonactoc, 42 at Mercedita Navarro, 41, mga residente No. 17 Jocson St., Barangay Malanday, Marikina City; at Rodel Santiago, 29, ng No. 9 Rosita St., Barangay Sto. Nino, Marikina City.

Base sa report na isinumite ni Paday-os sa Southern Police District (SPD) ay matagumpay na naisagawa ang buy-bust operation ng SDEU na pinangunahan ni M/Sgt. Jonathan Bayot sa mismong bahay ni Braga dakong alas 12:30 ng hatinggabi.

Sinabi ni Paday-os na ang tatlong babaeng suspects ay mga kilalang tulak ng droga sa lugar ni Braga sa Barangay 53, Zone 7, Pasay City.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspects ang anim na sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,680.

Sinabi naman ni SPD director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg na hindi titigilan ang operasyon ng pulisya sa ganitong illegal na aktibidad at kanyang hinihikayat ang publiko na i-report ang mga criminal na aktibidad sa kanilang mga lugar na nasasakupan. Marivic Fernandez

5 thoughts on “4 TIKLO SA BUY-BUST OPERATION SA PASAY”

  1. 852915 307752You wouldnt feel it but Ive wasted all day digging for some articles about this. You may be a lifesaver, it was an excellent read and has helped me out to no end. Cheers! 898585

Comments are closed.