4 TINEDYER NASAGIP SA SEX DEN

ILOCOS NORTE-APAT na kabataang babae ang nasagip ng mga operatiba ng Regional Office ng National Bureau of Investigation (NBI) nang masakote ang sex trade leader sa liblib na bahagi ng Barangay Lydia sa bayan ng Marcos sa lalawigang ito.

Ayon kay NBI-Laoag City District Office chief, Atty. Diosdado Araos, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 at RA 7610 ang suspek na si Premia Saclayan-Verdadero,40-anyos.

Samantalang ang apat na tinedyer na nailigtas ay residente ng Barangay Lydia na nahikayat sa sex service sa bahay mismo ni Verdadero sa halagang P1,500 kada kliyente.

Nadiskubre ang modus ni Verdadero makaraang ipagbigay-alam ito ng isang kliyente sa NBI-Laoag City kaya kaagad na nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa Ilocos Norte Provincial Social Welfare Office para tapusin ang illegal sex trade ng suspek.

Nagpanggap na customer ang 3 undercover agents sa pangunguna ni NBI Intelligence Officer Darwin dela Cruz at tinungo ang bahay ni Verdadero kung saan dalawang tinedyer na babae ang naghihintay habang ang dalawa kabataang babae ay nakaantabay sa darating pang customer.

Inabangan muna magbayad si dela Cruz kay Verdadero kapalit ng sex service bago inaresto na sinasabing dalawang ulit na nagtangkang tumakas.

Samantala, ang 4 na biktima ng sex trade ay nasa pangangalaga na ng social workers habang si Verdadero ay mahaharap sa patong-patong na kasong kriminal. MHAR BASCO

5 thoughts on “4 TINEDYER NASAGIP SA SEX DEN”

  1. 798538 491522An intriguing discussion will probably be worth comment. I believe which you can write read a lot more about this subject, may effectively surely be a taboo subject but normally folks are inadequate to chat on such topics. To a higher. Cheers 390513

Comments are closed.