QUEZON CITY – APAT katao na pawang mga tricycle driver ang nasawi nang malason umano ng ininom na lambanog sa Novaliches.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nagkatuwaan ang mga ito at ilang bote ng lambanog ang naubos sa kanilang inuman.
Bukod sa mga namatay, isa pa ang nasa kritikal na kondisyon at may ilang nananatili rin sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan.
Sa ngayon, inaalam na kung saan nagmula ang lambanog, habang susuriin naman ang mga tirang alak para mabatid kung nahaluan ito ng kemikal o anumang bagay na nakalalason. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.