NASAKOTE ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng baril at higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC, RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles ng buy-bust operatrion sa San Isidro St., Brgy. 178, Camarin.
Kaagad dinamba ng mga operatiba si Nelvin Baldivino alyas “Pango”, 28-anyos at Jomar Clemente, 37-anyos matapos bentahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na tinatayang nasa P102,000.00 ang halaga, isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 6 piraso ng P1,000 boodle money.
Dakong alas-11:30 naman ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at P/Major Jerry Garces sa buy-bust operation sa Cattleya St. Libis Nadurata, Brgy.18 si Roy Santos alyas “Taroy”, 39-anyos at Sevier Christian Ambida alyas “Tantan”, 39-anyos, kapwa taga- PNR Compd. Samson Road, Brgy. 73.
Narekober sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na may standard drug price na P102,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at 9 piraso ng P500 boodle money. EVELYN GARCIA
Comments are closed.