BULACAN – TINATAYANG aabot sa higit sa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P800,000 ang nakumpiska ng awtoridad sa buybust operations sa isang bahay sa Brgy, Pandayan, Meycauayan City.
Sa report ni P/Lt.Col. Bernard Pagaduan, kay PNP Provincial Director, P/Col. Lawrence Cajipe, mag-aalas -9:15 ng umaga nang madakip ang mga suspek na sina Nelson Rivera, 38-anyos, Arvie dela Cruz, 29-anyos, ng Bocaue; Christian Cruz, 39-anyos, at Albert Alera, 30-anyos, kapwa ng Brgy. Pandayan.
Ayon kay P/Cpl..Jerome Contero, isa sa mga na aresto na si Nelson na umuupa sa bahay ay dati nang nakulong sa Provincial Jail ng halos pitong taon sa ilegal na droga,
Nakumpiska mula sa kanila ang higit 100 gramo ng hinihinalang shabu, weighing scale at shabu paraphernalias.
Samantala paglabag sa Sec. 5 Article ll ng RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL
Comments are closed.