4 TULAK TIKLO SA P5-M MARIJUANA

KALINGA- NASAKOTE ang apat na tulak kasabay ng pagkakasamsam ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng P5 milyon sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan sa lalawigang ito.

Sa pahayag ni Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, ang mga suspek na sina Jerome Dizon Postor, 24-anyos; Randell Mark Pancho Limuco, 22-anyos at Zand Mark Johnsen Edulon de Castro, 21-anyos, mga residente ng Guiguinto, Bulacan at si Judelyn Tomas Santos, 20-anyos ng Baliuag, Bulacan.

Nasabat ng pulisya ang nagmamadaling puting Hyundai Stargazer SUV na may conduction sticker na K2X501 na sa halip na mag menor sa checkpoint ay mas pinabilis pa nito ang takbo dahilan upang mabangga nito ang signage ng checkpoint.

Nang siyasatin ang naturang sasakyan, dito na natuklasan ang marijuana na itinago sa backseat.
Dinala na sa Lubuagan police station ang mga suspek para sa paghahain ng kaukulang kaso.
EVELYN GARCIA