4 TULAK TIMBOG SA BUY BUST SA TAGUIG

ARESTADO ang apat na drug pushers sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police kung saan nakakumpiska sa pinagsamang operasyon ng 38 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P258,400.

Sa isinagawang buy-bust operation ng SDEU sa Brgy. Hagonoy, naaresto ang suspek na si Jeremie Cruz, 38-anyos, residente ng lungsod.

Nakumpiska kay Cruz ang 5 pirasong plastic sachets na naglalaman ng 3.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P26,520, buy-bust money na dalawang piraso ng tig-P100 at isang wallet.

Kasunod nito, inaresto rin sa isang buy-bust ope­ration ang suspek na si Michael John Miana, 41-anyos, residente ng Brgy. Central Signal, matapos makuha sa kanyang posesyon ang 7 plastic sachets na naglalaman ng 19.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P129,880, 1 digital weighing scale at dalawang piraso ng tig-P100 na ginamit sa buy-bust operation.

Sa isa pang operasyon ng buy-bust ng Taguig police sa PNR Site, Barangay Western Bicutan, naaresto naman ang dalawang drug suspects na sina Alicia Mano, 48-anyos, at Jery Tagigaya, 32-anyos, kapwa residente ng naturang barangay.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 4 plastic sachets na naglalaman ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig City prosecutor’s office.

Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) Director Police Big. Gen. Jimili Macaraeg ang Taguig City police na nagsabing, “I am very glad for another successful operation against illegal drugs. This proves that we continue to campaign against illegal drugs amid the pandemic.” MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “4 TULAK TIMBOG SA BUY BUST SA TAGUIG”

  1. 891368 73722The digital cigarette makes use of a battery and a small heating element the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 649138

Comments are closed.