KALINGA – NAGWAKAS ang pagiging smuggler ng apat na narco traders makaraang makumpiskahan ng P13.4 milyong halaga na marijuana bricks sa itinayong checkpoint ng mga operatiba ng PDEA at pulisya sa Sitio Camaligan, Brgy. Bantay sa Tabuk City sa lalawigang ito kahapon ng umaga.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspects na sina John Benedict Camia, 22-anyos ng Imus City, Cavite; Augusto Galicia, 38-anyos ng Antipolo City; Wenceslao Galicia, 24-anyos ng Antipolo City at si Eduardo Patiga, 40-anyos ng Makati City.
Base sa ulat ni PDEA- Cordillera director Gil Castro, magkakasama ng mga suspect na lulan ng Toyota Innova mula sa nasabing lugar nang parahin sa checkpoint ng PDEA-Kalinga operatives katuwang ang Cordillera police.
Natagpuan sa loob ng sasakyan ang 6 paper boxes at dalawang sako na naglalaman ng 112 bricks na marijuana na sinasabing may street value na P13.4 milyon.
Bukod sa pinatuyong dahon ng marijuana ay narekober din sa mga suspect ang remittance receipts ng isang private financial service provider na nakasaad ang lugar na pagkukunan ng marijuana.
Ayon pa sa PDEA na ang bultong marijuana bricks na kanilang nasabat ay nagmula rin sa upland Kalinga, partikular sa bayan ng Tinglayan na sinasabing hotbed ng illegal marijuana plantations sa highland region.
Magkakasunod na pina drug test ang mga suspect na kasalukuyang nasa detention facility habang inihahanda na ang mga ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165. MHAR BASCO
658198 517767The urge to gamble is so universal and its practice so pleasurable, that I assume it must be evil. – Heywood Broun 470742