4 TULAK TIMBOG SA P646K SHABU

Shabu

UMABOT sa P646 K  halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang company driver matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan city police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga ope­ratiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo laban sa mga suspek na sina Jenelito Abanes, 25-anyos at Marieta Cañedo, 44-anyos sa Riverside Libis Baesa, Brgy. 160.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 45 gramo ng  shabu na tinata­yang nasa P306,000.00 ang halaga at buy bust money.

Bandang ala-1:10 naman ng madaling araw nang madakma rin ng mga operatiba ng SDEU si Montgomery Dumapit Jr., 29-anyos sa buy bust operation sa Lerio St. Brgy. 174 ng lungsod. Nakuha sa kanya ang nasa 30 gramo ng  shabu na tinatayang nasa P204,000.00 ang halaga at P7,500 marked money.

Nauna rito, dakong 9:30 ng gabi nang magsagawa rin ang mga operatiba ng SDEU, kasama ng Sta Quiteria Police Sub-Station  ng buy-bust operation sa Tullahan road, Brgy. 162 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gilbert Salazar alyas Boss, 38-anyos, company driver.

Narekober sa kanya ang nasa 20 gramo ng hi­nihinalang shabuna tinatayang nasa P136,000.00 ang halaga at P7,500 buy-bust money. EVELYN GARCIA

Comments are closed.