INANUNSIYO ng Commission on Elections (Complex) na apat na voting registrations ang bubuksan para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa susunod na Linggo.
Ito ay para makapagrehistro ang mga OFW sa darating na national at local elections sa Mayo 2022.
Ang bubuksang voting centers ay sa Office for Overseas Voting (OFOV) Registration Center, ground floor, Palacio del Gobernador Building, Intramuros, Manila; Department of Foreign Affairs (DFA) Aseana, Paranaque City; MARINA satellite office sa SM Manila at POEA Main Office in Ortigas Ave. cor EDSA, Mandaluyong City.
Samantala, sa isang Facebook post ng Comelec, hinikayat nito ang mga OFW na aalis ng bansa mula Abril 10 hanggang Mayo 9 sa 2022 na magparehistro na upang makalahok sa absentee voting para sa halalan.
Gayundin, maaari nang makapagparehistro ang ilang overseas workers sa malapit na embassy o consulate sa kanilang lugar.
“Filipinos who are already overseas can also register at the nearest Philippine Embassy or Consulate in their area,” pahayag ng Comelec. LIZA SORIANO
Comments are closed.