BULACAN – APAT na wanted person at 14 katao ang dinakip sa magkakahiwalay na police operation sa lalawigan.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna, kinilala ang mga naarestong wanted na sina Melanie L. Suarez, 43, ng Brgy. Tigpalas, San Miguel, sa kasong BP 22; Janeth Maravilla, 40, ng Brgy Poblacion, San Miguel; Emmanuel Parungao, 36-anyos, sangkot sa kasong attempted homicide and grave threats, no bail; at Navarro Jr, Salvador y Cinco, 38-anyos, ng Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City sa kasong qualified statutory rape with no bail.
Samantala, arestado rin sa magkakahiwalay na buy bust operations sa Hagonoy, San Jose Del Monte, Norzagaray, San Ildefonso, Obando at Baliuag ang 14 na drug users at drug-pushers.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 26 plastic sachets ng hinihinalang shabu. THONY ARCENAL