4 WARSHIPS NG PHL NAVY PINAGRETIRO NA

ph navy

INALIS sa talaan ng aktibong naval asset ng Philippine Navy ang apat nilang barkong pandigma matapos na i-decomission ng Philippine Fleet (PF) ang  BRP Pangasinan (PS31), BRP Quezon (PS70), BRP Emilio Liwanag (PC118) at BRP Salvador Abcede (PC114) matapos ang napakaraming taon na pagseserbisyo sa Hukbong Dagat.

Sa isinagawang decommissioning ceremony ng Philippine Navy sa pantalan ng Captain Salvo  Naval base sa Cavite, sa pangunguna ni Flag Officer In Command, Vice Adm. Giovanni Carlo J Bacordo PN na kinatawan ni  PN Vice Commander, Rear Admiral, Adeluis S Bordado PN ay tuluyan nang nagretiro sa serbisyo ang apat na ‘legacy ship’ ng  Philippine Navy.

Sinasabing bahagi na rin ito ng modernisasyon ng hukbong dagat dahil nakalatag sa kanilang programa na mapalitan ang mga ito ng mas mga makabagong sasakyang pandigma.

Bukod sa luma ay lubha na umanong mahal ang gagastusin para panatilihing tumatakbo ang mga nasabing barko  matapos ang maraming taon ng pagpapatrolya sa karagatan ng Filipinas.

Ang BRP Pangasinan at BRP Quezon ay patrol ship ng Philippine Navy na ginamit ng United States Navy noong World War 2 habang ang BRP Emilio Liwanag at BRP Salvador Abcede ay dinonate naman ng gobyerno ng South Korea sa magkahiwalay na taon.

“The decommissioning of these vessels will serve as the initial way going to modernizing our navy. It is the primary key in becoming a modern and multicapable organization that will fulfill our mandate in protecting the people, upholding our sovereignty and preserving our territorial integrity.”

Sa mensahe  ni Navy Flag Officer-in-Command Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo, tuloy tuloy ang ginagawa nilang paghahanda hindi lamang ng mga kagamitan at sandata  kung hindi maging ang kanilang mga tauhan  para gawing  moderno ang hukbong dagat ng bansa.

“Indeed, the decommissioning of PS31, PS70, PC118 and PC114 is a symbolism that there is a new horizon in sight. We are geared towards becoming a stronger and more capable Philippine Navy. With our newest acquisitions, we are more confident that we can better perform our mandate and provide better protection of our maritime domains,” mensahe ni Bacordo na binasa ni Navy Vice Commander, Rear Adm. Adelius Bordado.

“And now that these gallant fleet assets have reached the culmination of their extraordinary service. To BRP Pangasinan (PS31), BRP Quezon (PS70), BRP Emilio Liwanag (PC118) and BRP Salvador Abcede (PC114) will now be decommissioned and deactivated, nonetheless the Philippine Fleet and the Philippine Navy will continually remember all your success and contributions.

“The accomplishments of these PN vessels won’t be possible without their courageous crew. We are preparing and transitioning from a legacy navy into a modern navy, and part of this is making sure that we allocate our valuable resources and manpower to our new platforms,” ayon pa sa mensahe.

Nabatid na ang ginagawa ngayong unti unting pag -decommission ng mga PN legacy assets ay naayon sa direktiba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para mabigyang daan ang mga incoming platform base sa sa  AFP Modernization Program.

Suporta umano ito sa capability development program ng Navy na naglalayong makabili ng mga makabagong platform na may state of the art equipment and combat management systems. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “4 WARSHIPS NG PHL NAVY PINAGRETIRO NA”

  1. 755532 688181Aw, this was a quite good post. In thought I wish to put in writing like this moreover – taking time and precise effort to make an excellent article but what can I say I procrastinate alot and under no circumstances appear to get something done. 904655

  2. 249266 864385An intriguing discussion is worth comment. I believe that you want to write much more on this matter, it could not be a taboo topic but usually individuals are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 270118

Leave a Reply

Your email address will not be published.