DISMAYADO ang pamilya ng isang special child na napatay ng pulis sa kasagsagan ng kanilang police operation sa ibinabang desisyon ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na patawan lamang ng 40 araw na suspensiyon nang walang sahod ang akusado.
Ito ang ipinataw na parusa ng IAS) kay Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo, isa sa apat na pulis na sangkot sa pagbaril kay Erwin Arnigo na may autism spectrum disorder.
Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, 60 araw suspensiyon dapat ang parusa kay Salcedo, pero ibinaba nila ito sa 40 araw dahil sa mga parangal na natanggap nito sa serbisyo.
Lumilitaw umano sa imbestigasyon ng IAS na ang tanging pagkakamali lang ni Salcedo ay hindi ito naging mag-ingat sa paghawak ng kanyang baril habang sinusubukang arestuhin ang biktima.
Sa unang deklarasyon ng Valenzuela police, nakipag-agawan umano ng baril ang biktima sa mga pulis na salungat sa salaysay ng pamilya Arnigo dahil 18-anyos lamang umano ang kanilang anak bukod pa sa isa itong autistic.
Ayon sa pamilya ng biktima hindi sapat ang parusang ipinataw sa pulis na nakabaril sa kanilang anak na may kapansanan sa pag-iisip.
Dahilan upang manawagan kay PNP chief General Guillermo Eleazar ang pamilya ng biktima para i-apela ang desisyon ng IAS .
“Hindi po ako papayag na ganoon ganoon lang po mangyayari doon sa anak ko. Ganoon lang po kagaan yung kasi na iaano sa kanya. Hindi po dapat ganoon kasi special child po yung anak ko eh,” ani Helen Arnigo
“Tsaka wala po siyang karapatang gumamit ng baril kasi bakit ganoon, sa isang sibilyan eh maiputok noon. Sa isang special child pa, anong kalaban laban ng anak ko, sobrang payat noon?”dagdag pa nito.
“Sir Eleazar, tulungan niyo naman po kami. Hindi po karapat-dapat ganoon mangyari sa anak ko. Gusto ko pong maparusahan yung pumatay po sa anak ko. Sir, nangako naman po kayo. Tulungan niyo kami,” panawagan nito. VERLIN RUIZ
442849 222272I like the valuable information you supply inside your articles. Ill bookmark your blog and check once again here regularly. Im quite certain I will learn lots of new stuff proper here! Very good luck for the next! 488298
601760 606139Completely composed written content , thanks for data . 54020