40 ENTRIES PASOK SA SLASHER 2 FINALS

world slashers

AABANTE sa finals round ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2 ang 40 entries na nakasungkit ng 2 hanggang 5 points sa unang araw ng elimination round sa Smart Araneta Coliseum.

Nakaiskor ng 5-0 ang isa sa entries nina defending champion Frank Berin at sabong idol Patrick Antonio.

Dalawang entries – Akiboy at Miles – naman ang nakaiskor ng 4.5 points.

May tig-aapat na puntos naman ang Greengold Uno ni dating World Slasher champion Rey ­Briones, Peshmerga Angrybirds Aklan, ­Ahluck Camsur Jam SB ni Ricky Magtuto, RNW & BT, CPB JB 1 ni Gov. Claude Bautista, at Firebird Uppercut ni Biboy Enriquez.

Nakasungkit naman ng 3.5 points ang isa pang entry ni Briones na Spartans Cuyo, Dominator AF JMS 2 ni Patrick Puno, Poleman, Gold Knights Rian ni Rikki Reyes, FFG Archers ni Felix Gatchalian, at Risk Taker RSF RMD LAW ni Jojo Gatlabayan.

Ang anim na araw na international derby ay suportado ng Thunderbird, Petron, Excellence Poultry and Livestock Specialists at  media partners tulad ng PitGame Media Inc. ni Manny Berbano, The Journal Group, PILIPINO Mirror, Balita at Tempo. Samantala, may 93 sultada ang nakalinya sa pangalawang araw ng semi-final round habang sinusulat ang balitang ito.

Wala munang laban ngayong araw, Huwebes, at magbabalik ang aksiyon sa May 11, Biyernes (4-cock finals para sa 2 hanggang 3.5 points) at May 12 (4-cock finals ng 4 hanggang 5 points). NEIL A. ALCOBER

 

3 thoughts on “40 ENTRIES PASOK SA SLASHER 2 FINALS”

  1. 485260 746763As I website possessor I believe the content matter here is rattling fantastic , appreciate it for your efforts. You must maintain it up forever! Best of luck. 59742

Comments are closed.