BENGUET – APATNAPUNG estudyante ang inoobserbahan sa isang ospital matapos kumain ng kendi sa Natubleng, Buguias.
Galing umano sa mag-asawang Koreano ang candy na nagpakilala bilang missionaries.
Nakilala ang mag-asawang dayuhan na sina Lee In Suk, 52, at Tiehua Woom, 55, kapuwa nakatira sa Bangao, Buguias, Benguet.
Kabilang sa mga nalason ay ang 21 na mag-aaral ng Natubleng Elementary School, at 189 na estudyante naman sa high school ng naturang paaralan.
Ayon kay Pol. S/Insp. Dexter Simon, hepe ng Buguias-Philippine National Police, ipinamahagi ng mag-asawa ang mga naturang candy sa labas ng paaralan.
Subalit, ilang minuto raw ang nakalipas ay biglang sumakit ang tiyan ng mga estudyante at nagsimulang magsuka kaya isinugod sa Atok District Hospital.
Napag-alaman sa imbestigasyon na binili lamang ng mag-asawang Koreano ang mga candy sa isang grocery sa Buguias, Benguet. R.VELASCO
Comments are closed.