40 HENERAL NANUMPA SA HARAP NI PBBM

BILANG pagtitiyak na pinahahalagahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa matatag na demokrasya at seguridad, nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalakasin ang organisasyon kasabay ng pangangasiwa sa panunumpa ng 40 bagong promoted general at flag officers sa Malacanang nitong Lunes ng hapon.

“As your President and your Commander-in-Chief, I stand resolutely behind and with the Armed Forces of the Philippines. I will ensure that the strength of the organization and the well-being of all its personnel are attended to,” ayon sa Pangulo.

Kabilang sa mga na-promote ay ang 10 Major Generals/Rear Admirals at 14 Brigadier Generals/Commodores ng Philippine Army; isang Lieutenant General, tatlong Major Generals/Rear Admirals at apat na Brigadier Generals/Commodores ng Philippine Navy; isang Lieutenant General, dalawang Major Generals/Rear Admirals at tatlong Brigadier Generals/Commodores ng Philippine Air Force; at dalawang Brigadier Generals/Commodores ng Technical and Administrative Service.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang AFP ngayon ay makabago na ang organisasyon.

Pinayuhan din nito ang buong AFP na dapat ay palaging epektibo, kahanga-hanga, matapang at tumutugon upang matiyak na ang integridad at interes ng bansa ay ipagtatanggol at mapangalagaan.

“Henceforth, your strategic leadership will be the fulcrum and the compass, so that the AFP will move in the right direction, guided by the Constitution and the democratic principles that we have all sworn to uphold,” ayon sa AFP commander-in-chief.

Binati rin ng Pangulo ang mga opisyal.
EVELYN QUIROZ