40 KATAO STRANDED SA PASACAO PORT SA CAMSUR

PASACAO

DAHIL sa matin­ding pag-ulan, nasa 40 katao ang stranded sa Pasacao Port, Pasacao Camarines Sur.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG)-CamSur, kahapon ng umaga lamang nasa 40 pasahero na ang stranded sa naturang pantalan dahil maalon ang karagatan bunsod ng masungit na panahon.

Karamihan sa naturang mga pasahero ang patungo sana sa lalawigan ng Masbate.

Nagpaalala rin naman ang awtoridad sa mga mangingisda na mag-ingat at iwasan na munang maglayag hanggang sa hindi pa bumabalik sa normal ang mga alon sa karagatan.

Samantala, nagpapatuloy naman ang monitoring ng PCG sa iba pang pantalan at mga coastal areas sa naturang lalawigan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.