40-M NA ANG MAY COVID-19 SA MUNDO

virus

SUMAMPA na sa halos 40 milyong katao sa buong mundo ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), nasa kabuuang 39.7 million na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa daigdig.

Sa bilang na ito, nasa 351,000 ang naitala sa Filipinas kung saan nasa pang-18 walong puwesto na ang bansa sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming positibong kaso ng COVID-19 matapos na maitala ang mahigit 8 milyong bilang ng kaso ng COVID-19.

Comments are closed.