ARESTADO ang 40 hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa pag-iingat ng mga ilegal na armas gayundin ng mga pampasabog sa sa Tikalaan, Talakag, Bukidnon.
Ayon kay P/Col. Roel Lamiing, Provincial Director ng Bukidnon-PNP, naaresto ang mga ito sa ikinasang Simultaneous Agreesive Police Operations sa lugar.
Sakay ang mga ito ng kulay dilaw na elf truck at nabatid na ang mga ito ay reinforcement ng MILF sa Camp Madaya Basak Talakag na sangkot sa pamamaril noong Pebrero 21.
Nasabat sa mga ito ang ilang matataas na kalibre ng armas, mga bala at iba’t ibang uri ng mga pampasabog.
Dahil dito, sasampahan ang mga nabanggit ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions at Republic Act 9516 Illegal Posession of Firearms and Explosives. REA SARMIENTO
Comments are closed.