40% NG MGA PINOY AYAW SA K TO 12

MAHIGIT  40% ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa K to 12 education system sa bansa.

Ayon sa Pulse Asia Survey na isinagawa noong Hunyo 24 hanggang 27, 25% ng 1, 200 respondents ang nagsabing hindi sila gaanong kuntento sa kasalukyang sistema ng edukasyon habang 19% ang hindi kuntento.

Ang nasabing bilang ay 16% na mas mataas kumpara sa resulta ng survey noong September 2019 kung saan 28% ng respondents ang hindi kuntento.

Dahil dito, bumaba ang satisfaction rate sa 39% noong nakaraang buwan mula sa 50% noong September 2019.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Win Gatchalian na nakatakdang mamuno sa Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture sa 19th Congress na dapat repasuhin ang K-12 program.

Samantala, ipinauubaya ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa ang pagpapatupad ng face-to-face classes.

Ayon kay CHED chairperson Prospero De Vera, hindi sila maglalabas ng anumang kautusan para obligahin ang mga paaralan para sa in-person classes kaugnay sa nalalapit na pasukan sa susunod na buwan.

Aniya, pinapayagan ng Komisyon ang pagpapatupad ng blended learning na nagsimula noon pang nakaraang taon kaya’t ang mga paaralan na ang bahalang magdesisyon kung kailangang ibalik nang 100% ang face-to-face classes.

Nabatid na mayroong mga kolehiyo at unibersidad na hindi nag-oobliga ng In-person classes ngunit mayroon namang mga kurso ang kailangang magsagawa ng harapang pag-aaral.