40 PRESO SA MUNTI PINALAYA

preso

PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang may 40 preso bago ang araw ng Pasko.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesman Undersecretary Mark Perete, kabilang sa mga pinalaya ay walong nakapagsilbi na sa kanilang sentensiya, at 32 pang nabigyan ng parole.

Sa kabila naman ng pagpapalaya sa mga natu­rang preso, kinumpirma ni Perete na nanatili pa ring siksikan ang mga kulu­ngan sa bansa kaya’t na­ngangailangan sila ng mga karagdagang pasilidad.

Kinumpirma  nito na  may dalawang lugar naman na silang tinitingnan upang gawing bagong prison facilities ngunit tumanggi pa siyang isapubliko kung saan ito.

Sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ay may 27,000 inmates ang nakakulong  gayong nasa 10,072 inmates lamang ang capacity nito.

Sa buong bansa naman ay nasa 30 porsiyento na ang over capacity ng mga pasilidad ng Bucor.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.