PASAY CITY – APATNAPUNG Filipino truck drivers sa Germany at Poland ang naisalba mula sa mahirap na kalagayan sa nasabing mga bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Tiniyak naman ng DFA na pauuwiin na lamang ang mga Pinoy na ngayon ay nasa temporary shelter at mayroong food supplies.
Hindi naman tinukoy ng DFA ang nagpapahiram sa mga Filipino sa halip ay sinabing tinutulungan na ng mga embahada ng Filipinas na nasa Berlin, Germany at Warsaw, Poland ang mga OFW.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Overseas Labor Office officials sa Geneva, Switzerland sa mga employer ng Filipino truck drivers. EUNICE C.
Comments are closed.