ANG paksa ng kolum ko ngayon ay tungkol sa tunay na samahan. Ngayong araw ay ginugunita ng Claret High School of Quezon City Batch 1979 ang kanilang ika-40 taon. Isa ako sa nagtapos ng hayskul sa Claret noong 1979. Iba talaga ang buhay noong panahon ng hayskul. Maraming mga pangyayari ang hindi mabubura sa ating alaala. Masaya o masakit man, nakatatak na ito sa ating isipan.
Gustuhin man natin o hindi, malakas ang koneksiyon ng mga magkaklase sa hayskul. Kaya naman paglipas ng ilang taon, nag gradweyt sa kolehiyo at nakapaghanap ng trabaho o kaya’y nagpatuloy ng pag-aaral upang maging abogado, doctor, heneral, inhenyero, o nagdesisyon na magpari… patuloy pa rin ang pagkikita-kita sa pamamagitan ng reunion.
Para sa akin, ang mga kaklase ko sa hayskul ay mananatili at itinuturing kong mga kapatid. Ang ilan sa dahilan kung bakit ang samahan ng magkaklase sa hayskul ay matuturing na isa sa pinakamatatag na samahan ay sabay-sabay kasi na lumaki mula bata hanggang sa pagbibinata o pagda-dalaga. Dito natin naranasan ang pag-iba ng ating katawan. Ang madalas na pagpiyok ng boses na senyales ng pagbabago ng boses. Ang dating pagka-hilig sa laruan ay unti-unting tumatabang. Hindi natin namamalayan na nahihilig na tayo sa kagandahan sa magkaibang kasarian. Ganoon din ang mara-ranasan sa pagkahilig sa mga usong sayaw at tugtugin noon.
Isa pa sa dahilan kung bakit mahirap makalimutan ang panahon ng hayskul ay ang pagpapahalaga sa paaralan kung saan ka nagtapos. Hindi natin maiaalis ang tuwa na nararamdaman tuwing babalik ka at bibisitahin ang gusali ng paaralan. Tuwing mapupunta ka sa mga lugar ng iyong eskuwelahan, gugunitain mo ang mga masaya at mapait na karanasan noong ikaw ay nag-aaral pa roon. Tatawanan na lang ninyong mga magkakaklase ang mga alaala ng nakalipas.
May mga kaklase ka noong hayskul na itinuring mong bestfriend nguni’t nagkahiwalay ang inyong mga landas at magkikita muli sa reunion. Ka-dalasan ay may mga ganitong sitwasyon na napapaiba ng bansa ang ilan sa ating mga kaklase. Ilang taon kayong hindi nagkita at ang reunion ay magan-dang pagkakataon upang gunitain ang mga masayang nakaraan. Ang dating mga suliranain o sitwasyon na akala natin ay napakabigat subalit kung ibalik tanaw natin ay napakaliit na problema pala. Inaalala natin kung papaano tayo papasa sa ating klase. Iniisip natin kung papaano gagaan ang loob sa atin ng ating mga titser. Mahahabol ba natin ang deadline para maisumite natin ang mga project na pinagagawa sa atin? Problema rin natin kung papaano mapagkasya ang kakapiranggot na baon na pera na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang. Ang iba naman sa atin ay malaki ang problema – kung papaano makakausap ang kanilang napupusuan. Ang tawag dati dito ay ‘tsopi’.
Isa pang maganda sa samahan sa hayskul ay hindi mo kailangang maging ‘plastik’ sa kanila dahil magkakilala na kayo simula’t sapul na mga bata pa kayo. Tuwing nagkikita sa reunion ng hayskul, hindi magbabago ang tingin ninyo sa isa’t isa ng iyong mga kaklase. Hindi dahil siya ay doctor, abo-gado, heneral, pari o isang matagumpay na negosyante ay magbabago ang tingin mo sa kanila. Subalit hindi mawawala ang hanga at respeto sa kanilang inabot sa buhay. Mabuhay ang Claret High School of QC Batch 1979!
Comments are closed.