LAS PIÑAS CITY- HINATULAN ng 40 taon pagkakakulong ng korte ng Las Piñas ang apat na suspek na nangholdap at pumatay sa isang advertising executive noong 2013.
Base sa desisyon ni Judge Salvador Timbang ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 253 ang apat na suspek na nakilalang sina Lloyd Benedict Enriquez; Samuel Decimo; Kelvin Jorek Evangelista at Jomar Pepito ay napatunayang guilty sa pagpatay kay Kristelle “Kae” Davantes matapos na ito ay holdapin.
Bukod sa 40 taon pagkakakulong ay inutusan din ng korte ang mga akusado na magbayad sa pamilya ng biktima na P50,000 bilang death indemnity at P50,000 bilang moral damages.
Ayon sa korte si Decimo ay 19 taon gulang pa lamang nang ito ay maaresto noong 2013 at inamin nito ang pagsaksak kay Davantes.
Pahayag din ng korte na sa kalagitnaan ng trial ay inamin ni Decimo na siya ay guilty sa pagpatay kay Davantes dahil sa siya ay nakonsensya.
Si Reggie Diel na noon ay kasama ng apat at naging isang state witness at sinabi nito na gabi ng Setyembre 7, 2013 ay hinoldap nila sa Davantes na noon ay papasok na kanilang bahay sa Moonwalk Village.
Si Diel bago pa man naging isang state witness ay kasama dati ng apat na accused na kinasuhan ng robbery with homicide at inamin nito na siya ay dating nangho-holdap ng mga jeepney kasama ang apat na accused na kanyang pawang mga kaibigan.
Ayon kay Diel, nakita ni Pepito si Davantes at ito ang kanilang hinoldap sa kadahilanan na wala silang makitang jeepney na kanilang puwedeng maging target.
Dagdag pa ni Diel na siya ay bumababa sa sasakyan ni Pepito at si Evangelista kasama pa ang isang suspek na si Baser Manalang, na kasalukuyan pa ring at large ay tinutukan at hinoldap si Davantes at hinila ito papasok sa kanyang kotse.
Ayon kay Diel na siya ang nagmaneho ng sasakyan ni Davantes na isang Toyota Altis papuntang Tagaytay at sila ay nagpalit ni Pepito ng minamanehong sasakyan.
Dagdag pa ni Diel na sinabi pa ni Pepito na patayin ang biktima dahil nakita nito ang kanilang sasakyan na kanya namang tinutulan.
Pahayag pa ni Diel na sina Pepito at Decimo ang kasama ni Davantes sa loob ng sasakyan ng sila ay papuntang Silang, Cavite samantalang siya naman ay nasa loob ng sasakyang Honda City ni Pepito ng marinig niya ay ang isang malakas na tunog matapos na ang biktima ay itapon.
Dagdag pa ni Dile na sila ay kaagad na umalis sa naturang lugar dala ang laptop at dalawang cellphone ni Davantes papuntang Alabang upang ibenta ang mga ito. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.