NASA 400 ang bilang ng mga dayuhan na pinaniniwalaan peke ang pinaglilikurang kompanya sa Pilipinas.
Sa isinagawang inisyal imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI), pinaniniwalaan na kasabwat ang 40 travel agencies at liaison officers sa modus ng pamemeke ng mga kompanya sa bansa.
Sa resulta ng imbestigasyon, tinatayang aabot sa 116 mga pekeng employers ang nagkakanlong sa mga illegal aliens sa Pilipinas sa tulong ng mga liaison officer ng mga travel agency.
Samantala, hinihinalang may kasapakat ang liaison officers sa loob ng Immigration na siyang nagpa-facilitate o gumagawa ng kababaglaghan upang pamadali ang approval ng kanilang mga 9 (g) visa application.
Matatandaan na ang Department of Labor ang may hurisdiksiyon sa lahat ng mga kumpanya na nag-ooperate sa loob at labas ng Metro Manila at ito rin ang nagi-isyu ng working permit sa mga aplikante.
Batay sa impormasyon, ang DOLE ay hindi magbibigay ng working permit kung hindi existing ang kumpanya na papasukan.
Noong nakaraang taon, umabot sa 459 aliens ang nadiskubreng gumagamit ng pekeng kumpanya sa kanilang 9 (g) visa application matapos ang audit verification and compliance division (VCD) ng Immigration.
FROILAN MORALLOS