400 KABATAAN NAKIISA SA INFO DRIVE VS TERORISMO

TARLAC- MAHIGIT sa 400 kabataan ng Baras-Baras National High School sa lalawigang ito ang dumalo sa ginawang Information Awareness Drive kontra terorismo na ginanap sa Covered Court ng nasabing paaralan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) Cluster ng ELCAC Region-3 katuwang ang 3rd Mechanized Infantry Battalion (3rd Mech Bn) sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng nasabing paraalan.

Layon nitong mabigyan ang mga mag-aaral ng tama at totoong impormasyon patungkol sa panlilinlang at panloloko ng mga terorista sa hanay ng mga kabataan.

Ayon kay Mamerto Ragel, Principal ng Baras-Baras National High School na ang kaalaman na naibahagi ng SAKM Cluster at ng mga sundalo sa kanilang mag-aaral ay malaking tulong upang makaiwas sa mga panlilinlang ng mga NPA.

Sinabi naman nina Army Lieutenant Colonel Jeszer M. Bautista, pinuno ng 3rd Mech Bn at 1LT Jefferson V. Tungpalan ng Civil-Military Operations Officer Unit, ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga makabuluhang impormasyon sa mga kabataan ay lubhang mahalaga para sa malusog na komunidad.

Samantala, pinuri naman ni Army Major General Andrew D. Costelo, ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army ang patuloy na suporta ng sektor ng edukasyon sa mga programa ng gobyerno na nagbibigay ng impormasyon ukol sa kung paano maiiwasan ang panlilinlang ng teroristang grupo.

Aniya sa kabataan, maging mapanuri sa mga sasalihang organisasyon dahil mayroong mga grupong ang layunin hindi maganda na ikakasama sa inyong kinabukasan.

Dagdag pa nito na patuloy maging mapagmatyag at maging maalam sa mga Hindi kanais-nais na dulot ng terorismo.
THONY ARCENAL