400 KILOS NG BOCHA NASAMSAM

bocha

MAYNILA – NASABAT ng Manila City Veterinary Inspection Board ang 400 na kilos ng ‘botcha’ o double-dead na karne ng manok sa Paco Market.

Ayon kay Dr. Nick Santos, hepe ng food hygiene and regulatory division ng VIB, nagmula ang mga manok sa hindi lisensiyadong katayan ng karne sa Las Piñas City at dinala sa Paco noong Miyerkoles ng gabi.

Nagkakahalaga ang mga karne ng P36,000 habang nagbabala na ang lungsod sa mga tindero na huwag magbenta ng mga ilegal na karne. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM