UMABOT sa 400 na lolo at lola ang matagumpay na naturuan upang maging “techie” ng Quezon City sa tulong ng pangunahing digital solutions na Golden Globe Group upang alamin ng mga senior citizens ng lungsod ang makabagong tecknolohiya.
Isinagawa ang tinaguriang “Teach me How to Digi #SeniorDigizen Learning Session”sa Skydome sa SM North EDSA nitong Enero 25.
“This event will help the city’s elderly citizens to transition into a digital life and help them enjoy the benefits of modern technology,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.
Malaki aniya ang maitutulong ng mga kaalamang ito sa mga senior QCitizens para makasabay sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa makabagong teknolohiya.
Ang National Commission of Senior Citizen (NCSC) ay naglagay ng kanilang booth sa lungsod Quezon upang matulungan at maturuan sila magrehistro sa kanilang data base kung saan nakasaad ang kanilang pamumuhay, estado ng kalusugan at iba pang mahalagang bagay tungkol sa kanila. MA.LUISA MACABUHAY-GARCIA