400 NURSES WANTED SA GERMANY

NURSE-GERMANY

MANDALUYONG CITY – AABOT sa 400 mga Nurse ang hinahanap ngayon ng bansang Germany sa ilalim ng Triple Win Project, isang government-to-government project katuwang ang German Federal Republic at pinangangasiwaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang mga aplikante ay dapat na Filipino citizen at permanenteng naninirahan sa Filipinas na nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, mayroong aktibong Philippine Nursing License, mayroong professional experience (bedside) sa mga ospital, rehabilitation centers at care institution.

Dapat ay mayroon din silang German language proficiency at handang sumailalim sa German language training sa Filipinas upang magkaroon ng Level B1 (na babayaran ng employer), at dapat silang dumalo sa mga language class sa Oktubre at ­Nobyembre 2018; o mayroong Bl o B2 Language Proficiency Level na alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay magkakaroon ng panimulang buwanang suweldo na €1,900 (gross) na maaaring tumaas sa € 2,300 matapos tulu­yang matanggap bilang nurse.

Ang employer ang magbabayad ng visa at tiket sa eroplano mula Filipinas patungo sa Germany at tutulungan din silang makahanap ng matutuluyan. Ang mapipiling nurse rin ang siyang magbabayad nang buo o bahagi ng upa para sa kanilang tirahan. PAUL ROLDAN

Comments are closed.