400 PASYENTE PA GUMALING SA COVID-19

DOH

ITINALA ang pinakamataas na coronavirus disease (COVID-19) recoveries  sa isang araw kahapon na 400 pasyente.

Nagbunsod upang umakyat na sa 11,073 ang total recoveries ng CO­VID-19 sa Filipinas.

Sa  huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4  ng hapon ng  Biyernes, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire  na  umabot na sa 40,336 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdag ang 1,531 pa sa bilang ng tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 688 ang “fresh cases” habang 843 ang “late cases.”

Malaking bilang ng “fresh cases” o 255 ay sa Metro Manila  at 138 ang mula sa Region 7.

Anim na pasyente pa ang naitalang  nasawi  kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,280 na.

Comments are closed.