NAGLUNSAD ng medical check-ups kahapon ang Pasay City Jail upang isailalim ang mahigit na 400 na Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ang nasabing proyekto ay matapos umano na nakitaan ang mga ito ng sintomas ng Tuberculosis.
Ayon sa warden ng nasabing Pasay City Jail, ito ay ang inisyal na lumabas na resulta sa isinagawang X-ray sa mga PDL.
Dahil dito, naka-isolate na ang mga ito para hindi na makahawa pa.
Ang pagsasailalim sa kanila ng medical check ups ay para malaman kung kailangan pa nila ng gamutan sa nasabing sakit.
EVELYN GARCIA