400,000 SUSPICIOUS TRANSACTIONS NAITALA NG AMLC NGAYONG TAON

AMLC

LUMOBO ang mga suspicious online transaction ngayong taon, ayon sa Anti-Money Laundering Council.

Dahil dito ay pinaalalahanan ng AMLC ang publiko na maging mapagbantay habang nagsasagawa ng digital financial transactions.

Sa isang virtual press conference ay sinabi ni AMLC executive director Mel Racela na may 400,000 suspicious transactions ang naitala ngayong taon, na katumbas ng buong taong kabuuan na tinanggap noong 2019.

“Currently our suspicious transaction reports are approximately 400,000. We reached the same number last year. For the entire year, approximately 400,000.  So yes, it’s been increasing,” wika ni Racela.

“We noticed an increase on online fraudulent transactions. We reminded the public that whenever they have online transactions, ensure these platforms are not used to perpetuate fraud,” dagdag pa niya.

Gayunman ay nilinaw niya na hindi ito nangangahulugan na dumami rin ang mga krimen na may kinalaman sa money laundering.

Hindi rin, aniya, lahat ng reports ay dirty money cases. Isa lamang sa anim na suspicious transactions na ito ang may kinalaman sa ilegal na gawain.

Ang suspicious transaction reports ay inihahain sa AMLC kapag nakakita ang mga institusyon ng financial transactions na tila hindi ordinaryp o maaaring bahagi ng dirty money scheme.

Sa isang pag-aaral hinggil sa financial crime trends noong Enero hanggang Abril, sinabi ng AMLC na ang suspicious transaction reports ay umabot sa 104,138 mula  Marso  1 hanggang Abril 24. Ang Luzon-wide lockdown ay nagsimula noong mid-March.

Sinabi pa ni Racela na nakikipag-ugnayan na ang AMLC sa Cybercrime group  ng Philippine National Police (PNP) upang imbestigahan ang fraudsters.

Comments are closed.