MULING nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na hindi na palalawigin pa ang voter registration period para sa mga nais makaboto sa May 9,2022 national and local elections.
Itinuturing din ni Comelec Spokesperson James Jimenez na generally successful ang extension period bagama’t dinagsa ng mga tao ang mga tanggapan ng poll body at ilang satellite registration sites.
Tinatayang 400,000 indibidwal ang nakahabol sa huling araw ng pagpaparehistro na mas mataas ng 100,000 kumpara sa target registrants ng ahensiya na nasa 300,000.
Samantala, sa kabila ng extended registration period, nilinaw ni Jimenez na susundin pa rin nila ang ‘schedule of activities’ para sa 2022 elections.