400K OFWs ANG NAPAUWI NA SA BANSA

Sec Silvestre Bello III-2

MAHIGIT 400,000 na mga Overseas Filipino Worker (OFW)  ang pinauwi na mula sa iba’t ibang bansa.

Batay sa ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na nasa 410, 211 ang mga OFW ang naka-quarantine alinsunod sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Enero 16.

Samantala, nasa 8,273 ang mga OFW na pinauwi sa kani-kanilang probinsIya.

Nabatid pa na may 520,000 pang displaced OFWs na naghihintay pa ng repatriation kung saan, mayroon 7,844 mula sa Middle East at 3,078 sa Europa at Amerika.

Gayunpaman, paalala ni Bello na lubhang mapanganib pa rin ang COVID-19 kahit may bakuna na.

“There is no room for complacency. We cannot let our guard down. Despite the availability of Covid vaccines in your country of work, the virus remains an imminent threat to your health and safety,” diin nito. LIZA SORIANO

Comments are closed.